Nabigo ang kopya ng hosts file sa Android 9+

Ang mga pinakabagong bersyon ng Android ay gumagamit ng read-only /system partition.
Kung gumagamit ka ng Magisk bilang root solution, tiyaking enable mo ang systemless hosts module pagkatapos ay i-reboot.

Walang sapat na space sa partition

Subukang palitan ang mga target host file sa preferences sa /data/data/hosts (o /data/hosts) at i-apply muli ang AdAway.

Nagpapakita pa rin ng mga ad ang Chrome

Tiyaking hindi mo pinagana ang lite mode (dating kilala bilang data saver) mula sa Chrome settings. Nagbibigay-daan ang mga feature na ito sa Chrome na gumamit ng pribadong solusyon sa DNS at i-bypass ang AdAway.

Hindi nito naba-block ang mga ad sa application na XYZ!

Ang ilang mga hostname ay maaaring nawawala sa ibinigay na mga file ng host mula sa Hosts Sources o ang aplikasyon ay nag-bundle ng mga larawan upang magbigay ng mga ad nang hindi ina-access ang internet.

Maaari kang mag-log ng mga kahilingan sa DNS (Menu->Log DNS Requests) mula sa AdAway upang malaman kung aling mga karagdagang hostname ang kailangang i-block.

Idagdag ang mga kahina-hinalang hostname sa iyong sariling Blacklist sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa mga entry sa Log at iulat ang mga hostname na ito kapag na-verify mo na ang mga ito sa aming GitHub issue tracker.

Cached Advertisements

Minsan ang mga aplikasyon ay nag-cache ng mga ad pagkatapos ng pag-download. Ito ay humahantong sa mga natitirang advertisement sa ilang mga applikasyon. Maaari mong subukang burahin ang cache para sa mga aplikasyon na ito sa Android's Application list upang iwasan ang problemang ito.

Hindi na gumagana ang Application XYZ!

Ang ilang mga applikasyon ay kailangang makipag-ugnayan sa isang hostname na na-block ng AdAway o tumangging paganahin kapag ang mga hostname na dapat maghatid ng mga ad ay hindi maabot. Tingnan ang https://github.com/AdAway/AdAway/wiki/ProblematicApps upang makakuha ng listahan ng mga kilalang aplikasyon na may mga problema. Kung hindi, alamin kung aling mga hostname ang kailangan at idagdag ang mga ito sa iyong Whitelist sa ilalim ng Your Lists at iulat ang mga ito sa bug tracker ng AdAway.

Hindi gumagana sa Android 4.4+

Subukang baguhin ang target hosts file sa preferences mula sa /data/data/hosts patungo sa /data/hosts o /system/etc/hosts at muling i-apply ang AdAway.

Ang back button sa mga web browser ay hindi gumagana

Maaari mong paganahin ang lokal na webserver ng AdAway sa preferences bilang isang solusyon.